3 dosis ng bakuna, requirement para makapasok sa public establishments sa Peru

3 dosis ng bakuna, requirement para makapasok sa public establishments sa Peru

IREREQUIRE na sa mga mamamayan ng Peru ang tatlong dosis ng bakuna kontra COVID-19 para malayang makapasok sa mga establisyemento roon.

Ayon kay Peruvian Prime Minister Aníbal Torres at Head ng Ministry of Health, Hernán Condori, gagawing mandatory ang pagpapabakuna ng 3 beses kontra COVID-19 sa mga papasok sa mga establisyemento sa bansa.

Kinakailangan umano na lahat ng mga nasa edad 18 taong gulang pataas ay nakapagpabakuna ng 3 beses bago ito makapasok sa pribado o pampublikong establisyemento sa bansa at responsibilidad din umano ng may ari ng mga negosyo na sumunod sa nasabing batas.

Samantala, babala naman ng Prime Minister sa mga nagtatrabaho sa mga pampublikong sektor na hindi man mandatoryo para sa lahat ang bakuna, hindi umano maaaring isalalay ang kapakanan ng karamihan para sa mga ayaw magpabakuna at posible umanong matanggalan ng hanapbuhay.

Ayon kay Condori, posibleng dumami muli ang mga taong magpapabakuna kontra COVID-19.

Samantala, kasalukuyang pinag-aaralan ng pamahalaang Peru ang requirement na 4 na dosis ng bakuna.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Leave a Reply

Your email address will not be published.