NAHAHARAP sa kasong foreign bribery at money laundering ang 3 Executives ng US-headquartered technology provider na Smartmatic.
Ayon sa Department of Justice ng Estados Unidos, isa sa mga ito ay ang president at co-founder ng Smartmatic na si Roger Alejandro Martinez.
Sa imbestigasyon, umabot sa 1 million dollars ang isinuhol ng Smartmatic kay dating Commission on Elections Chairman Juan Andres Bautista para magsilbing voting technology company noong 2016 national elections ng Pilipinas.
Ang imbestigasyon naman ng Estados Unidos sa Smartmatic ay kasunod sa demanda na inihain nito kontra American multinational mass media company na FOX Corporation. Dahil sa umano’y paninira na ipinapakalat na may kinalaman ang tech provider sa umano’y pandaraya na nangyari noong 2020 US elections.