3 hinihinalang biktima ng trafficking in persons, nasagip ng PCG

3 hinihinalang biktima ng trafficking in persons, nasagip ng PCG

NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong hinihinalang biktima ng trafficking in persons (TIP) noong Linggo.

Kinilala ang mga umano’y TIP victims na isang 44-anyos na babae, isang 37-anyos na lalaki at isang 9 na taong gulang na lalaki na isinailalim sa verification at profiling.

Ayon sa PCG, sakay ang mga biktima ng isang commercial passenger vessel mula Zamboanga del Sur patungo sa Tawi-Tawi.

Batay sa mga umano’y TIP victims, inatasan sila ng hindi nakilalang mga indibidwal na bumiyahe patungong Sabah, Malaysia sa pamamagitan ng “backdoor” channel at isang hindi kilalang tao ang susundo sa kanila doon pagdating.

Itinurn-over na ang mga biktima sa Philippine National Police (PNP) station Tawi-Tawi para sa proper investigation, stress debriefing at further disposition.

Follow SMNI NEWS in Twitter