3-K relief goods ipinamahagi ng DSWD sa Brgy. Tatalon District 4 ng QC

3-K relief goods ipinamahagi ng DSWD sa Brgy. Tatalon District 4 ng QC

NAMAHAGI ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit sa tatlong libong relief goods sa mga residente ng Brgy. Tatalon District 4 sa Quezon City.

Ang relief goods ay ibinigay ng DSWD kay QC Mayor Joy Belmonte, at pinagkatiwala kay Rodel Lobo, brgy. chairman ng Tatalon na ipinamahagi naman sa mga biktima ng pagbaha ng nagdaan Bagyong Carina, at Habagat.

Sa panayam ng DZAR 1026 SMNI Radio kay Brgy. Tatalon Administrator Renier Porfina, bahagyang naantala ang pagbibigay ng relief goods dahil noong Sabado lang dumating at kanilang natangap kaya araw na ng Linggo naipamahagi ang mga relief goods sa mga nabahaan.

Ilan sa mga nakatanggap ng mga ayuda ay nagpasalamat kay QC Mayor Joy Belmonte, DSWD at kay Kapitan Rodel Lobo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble