ARESTADO ang 3 katao kabilang ang isang high-value individual matapos ang magkahiwalay na operasyon sa Bulacan at Angeles City nitong Sabado at Lunes.
Sa ulat kay Provincial Regional Office (PRO)-3 Regional Director PBGen. Jose Hidalgo, Jr. nahuli ang mga suspek na kinilalang sina Sarriel Bartolome, at Nonelon Jose sa Brgy. Bigte, Norzagaray, Bulacan.
Nakuha sa kanila ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na may estimated value na P68-K.
Sa Angeles City, natiklo ang high-value individual at miyembro ng Sputnik Gang na kinilalang si Jonah Francia, alyas Yusup kung saan nasamsam sa kaniya ang 105 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P714-K.
Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).