NALANSAG ng mga tauhan ng PNP Regional Office 7 ang 3 miyembro ng gun-for-hire group.
Ayon kay PRO7 Director PBGen. Red Maranan, ang mga suspek ay tukoy na nasa likod ng iba’t ibang malalaking krimen sa rehiyon kabilang na ang sunod-sunod na shooting incidents sa Cebu noong nakaraang buwan.
Kinilala ang mga suspek na kasapi ng Ylaya, Tañeza at Bano Group.
Ayon kay Maranan, ang Bano Group ang responsable sa pamamaril sa Toledo City nito lamang Marso 5 kung saan nagresulta ng pagkasawi ng isang miyembro nito matapos manlaban sa mga humuhuling pulis.
Isang menor de edad naman ang nasagip mula sa Tañeza Group na ginagamit din sa paggawa ng krimen.
Bukod naman sa armas at bala na nakumpiska sa mga suspek, nasamsam din ang nasa 160 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng isang milyong piso.
Agad na sinampahan ng kaukulang mga kaso ang naturang mga suspek.