NAKARAAN ang tatlong lugar sa bansa ng ‘danger level’ heat index ngayong araw ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang: • Virac, Catanduanes na may 43°C • Dagupan, Pangasinan at Dumangas, Iloilo na may 42°C.
Inaasaahang aabot sa 40°C sa NAIA, Pasay City at 39°C sa Science Garden, Quezon City. Pinapayuhan ang publiko na iwasan ang matagal na exposure sa init upang makaiwas sa heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.
Follow SMNI News on Rumble