3 lugar sa NCR, nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19

3 lugar sa NCR, nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19

BINABANTAYAN ngayon ang tatlong lugar sa National Capital Region (NCR) na nakitaan ng pagtaas ng naitalang kaso ng COVID-19.

Inihayag ni Department of Health (DOH) Undersecretery Maria Rosario Vergeire na ang nasabing tatlong lugar ay ang Pateros, Malabon at Navotas.

Ayon kay Vergeire, puno na ang intensive care units sa Malabon habang ang Pateros at Navotas ay nakitaan ng positive growth rate.

Nilinaw rin ni Vergeire na hindi pa significant ang naturang pagtaas ng naitatalang kaso ngunit mas nakabubuti pa rin aniya na bantayan ito.

Sinabi pa nito na ang pagtaas ng impeksiyon ay posibleng dahil naging kumpiyansa na ang karamihan na hindi sumusunod sa ipinatutupad na health protocols.

Follow SMNI News on Twitter