3-M doses ng COVID-19 vaccines, ido-donate ng Pilipinas sa ibang bansa

3-M doses ng COVID-19 vaccines, ido-donate ng Pilipinas sa ibang bansa

INIHAHANDA na ng Pilipinas ang pag-donate ng 3 milyong doses ng COVID-19 vaccines sa ibang mga bansa.

Sinabi ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Special Adviser Ted Herbosa na inisyal na ipinaalam sa kanya na sputnik vaccines ang ido-donate sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Partikular aniya sa target na mabigyan ng bakuna ang Laos, Cambodia at Myanmar.

Abril 2022 nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa Myanmar at Papua New Guinea para isapinal ang arrangements para sa donasyon.

Samantala, nag-expired na ang nasa isang milyong doses ng Astrazeneca vaccine na dinonate ng Covax facility sa iba’t ibang rehiyon.

Ito ang iniulat ni Herbosa sa Laging Handa public briefing.

Ayon kay Herbosa, nangako naman ang Covax na papalitan ang mga napaso.

Sa ngayon, sinabi ni Herbosa na hinihintay na lamang nila ang naturang kapalit.

Follow SMNI NEWS in Twitter