DUMATING na sa bansa ang tatlong milyong dosis ng Sinovac COVID-19 vaccine mula sa China.
Sakay ng Philippine Airlines Flight PR 359 na lumapag sa Ninoy
Aquino International Airport (NAIA) ang dosis ng Sinovac vaccines.
Habang 15,000 doses ng Sputnik V component 2 vaccines din ang dumating kagabi.
Samantala, inihayag ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., na karamihan sa mga bakuna ay ipapadala sa mga probinsya lalo na sa Cavite, Laguna at iba pa na may mataas na kaso ng COVID-19.
Dagdag pa ni Galvez, inaasahan ng gobyerno na darating sa buwan ng Setyembre ang aabot sa 25 million kabilang na rito ang 3 million na binigay ng COVAX Facility, 12 million mula sa Sinovac, 5 million mula sa Pfizer, 2 million mula sa Moderna, at isang milyon ng single-dose Sputnik Light.