3 miyembro ng BIFF, sumuko sa militar sa Maguindanao del Sur

3 miyembro ng BIFF, sumuko sa militar sa Maguindanao del Sur

SUMUKO ang tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa 40th Infantry Battalion sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Ayon kay Major General Alex Rillera, Commander ng Joint Task Force Central, dalawa sa mga sumukong personalidad ay dating miyembro ng BIFF-Karialan Faction at ang isa ay mula sa Bungos Faction.

Ibinunyag aniya ng mga sumukong personalidad na hindi na nila kinaya ang hirap sa patuloy na pagtatago lalo’t nakararanas sila ng gutom, pagod, at takot sa kanilang buhay.

Ibinaba rin nila ang isang 7.62mm Sniper rifle, isang cal. 50 Sniper rifle, at isang 40mm rocket-propelled grenade launcher. Maguindanao del Sur

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng 40IB ang 3 dating miyembro ng BIFF habang sumasailalim sa documentation at custodial debriefing.

Follow SMNI NEWS in Twitter