3 miyembro ng CTG ng Quezon, nakatanggap ng tulong mula sa E-CLIP

3 miyembro ng CTG ng Quezon, nakatanggap ng tulong mula sa E-CLIP

NAKATANGGAP ng tulong at benepisyo ang mga dating rebelde o miyembro ng communist terrorist group (CTG) na sumuko sa pamahalaan.

Pinangunahan ang pamimigay ng tulong ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon kasama ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalan, Quezon Police Provincial Office, 201st Infantry Battalion at 85th Infantry Battalion.

Ang nasabing tulong at benepisyo ay mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na ipinamahagi sa tatlong dating part time CTG o mas kilala sa tawag na Milisyang Bayan na nagbalik-loob sa pamahalaan.

Ang pagbabalik-loob ng mga rebelde ay ikinatuwa ng ECLIP Committee at ng bawat pinuno ng mga ahensiya para sa kanilang pagbabagong buhay at tahakin ang tamang landas para sa kinabukasan ng kani-kanilang pamilya.

Ayon naman kay Lieutenant Colonel Joel R Jonson, Commanding Officer ng 85th Infantry Battalion, bukas ang himpilan ng 85th Infantry Battalion at ng iba pang tanggapan ng pamahalaan upang tulungan ang iba pa na nalinlang ng teroristang NPA upang magbagong buhay.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble