NAGING madugo ang isang buy bust operation ng Regional intelligence Division ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kanina bandang 1:00 ng madaling araw.
Ito’y matapos na magkapalitan ng putok sa pagitan ng tatlong miyembro ng Kenneth Maclan Drug Syndicate group at NCRPO police.
Kinilala ang mga suspek na sina Alias Paulo, Richard at Ricsan.
Ayon sa mga awtoridad na matapos makatunog na pulis ang kanilang katransaksyon ay agad nila itong pinaputukan at agad namang gumanti ang mga pulis kaya ikinasawi ito ng tatlo.
Nakuha mula sa tatlo ang hinihinalang shabu na may timbang na 4 kilo na tinatayang aabot sa P27.2 million.
Nakuha din ang tatlong short firearms at ang sasakyang gamit ng mga suspek na Honda na may plakang E2X448.
Matatandaan na nauna nang nahuli ang leader ng nasabing sindikato na si Kenneth Maclan noong Hunyo ng nakaraang taon sa Rockville Subdivision, Novaliches.
Patuloy naman ang gagawing follow up operation ng mga kapulisan sa iba pang natitirang kasapi ng naturang drug syndicate.
Malaki naman ang pasasalamat ni PBridGen. Mathew Baccay sa mga matatapang na pulis na sumawata sa kalakaran ng iligal na droga.
BASAHIN: SMNI, ginawaran ng pagkilala ng NCRPO sa pagdiriwang ng Police Community Relations Month