3 miyembro ng NPA nasawi sa engkuwentro sa Leyte

3 miyembro ng NPA nasawi sa engkuwentro sa Leyte

NASAWI ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang isang engkuwentro sa Carigara, Leyte nitong Hunyo 17,2025.

Sa pahayag ng 93rd Infantry Battalion, naganap ang engkuwentro bandang 7:51 ng umaga nitong Martes sa Brgy. Cogon.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa panig ng pamahalaan.

Samantala, narekober ng mga tropa sa pinangyarihan ng engkuwentro ang ilang kagamitang pandigma.

Halimbawa na rito ang M16 rifle na may dalawang long magazine; isang calibre .45 na baril na may dalawang magazine; isang granada; mga supersibong dokumento; at iba pang personal na gamit.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble