NAWAWALA ang tatlong mountain climbers mula Estados Unidos at Canada matapos umakyat sa Aoraki o Mount Cook sa New Zealand.
Noong Sabado, Nobyembre 30 nang umakyat ang tatlo sa Mount Cook at inaasahang makababa na sila nitong Lunes, Disyembre 2 at makasakay sa kanilang prearranged transportation.
Dahil nga hindi dumating ang mga ito ay hinanap sila ng rescuers.
Matapos ang ilang oras na paghahanap ay tanging mga gamit lang na pinaniniwalaan ng rescuers na pinagmamay-ari ng tatlo ang kanilang nakita.
Kasunod nito ay hindi na naipagpatuloy ang search and rescue dahil sa pumapangit na rin na panahon sa Mt. Cook.