3 Pinoy patay, 5 sugatan sa isang sunog sa Taiwan—MECO

3 Pinoy patay, 5 sugatan sa isang sunog sa Taiwan—MECO

NASAWI ang 3 Pinoy habang sugatan ang 5 iba pa matapos sumabog ang isang food factory sa Taiwan.

Kinumpirma ito ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chair Silvestre Bello III.

Nangyari ang sunog bandang alas sais ng umaga noong Martes, April 25, 2023 sa second floor ng Lian-Hwa Foods Corporation sa Changhua County, Central Taiwan.

Tiniyak naman ng pamunuan ng MECO na bibigyan ng ayuda ang mga naiwang pamilya ng mga biktima.

Inihayag naman ni Bello na nasa maayos nang kalagayan ang 5 sugatan maliban sa isa na nasa intensive care unit pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter