3 Pinoy universities, umangat sa 2025 QS world rankings

3 Pinoy universities, umangat sa 2025 QS world rankings

MAY pinakamataas na pag-angat sa lahat ng Pinoy universities ang University of the Philippines batay sa 2025 QS World University Rankings.

Mula sa Rank No. 404, umaangat na ito sa No. 336 at No. 18 na rin sa buong Asya.

Maliban sa UP ay umangat din ang Ateneo de Manila University sa nabanggit na rankings.

Mula 563 ay nasa 516 na ito ngayon habang ang De La Salle University ay nasa 641-650 bracket na mula sa 681-690 bracket.

Samantala, ang Massachusetts Institute of Technology ng Estados Unidos ang nanatiling World No. 1 sa loob ng 13 magkasunod na taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble