3 presidentiables, puwede magkaisa para alisin ang no.2 at labanan ang no.1 – Prof. Uy

3 presidentiables, puwede magkaisa para alisin ang no.2 at labanan ang no.1 – Prof. Uy

POSIBLENG magkaisa ang 3 presidential candidates na sina Mayor Isko Moreno, Sen. Ping Lacson at former Defense Sec. Norberto Gonzales para maalis sa puwesto ang no.2 sa ranking na si Vice President Leni Robredo.

Ito ang inihayag ng political analyst na si Prof. Anna Malindog-Uy sa panayam ng SMNI News.

Aniya, naniniwala si Gonzales na hindi talaga gusto ng mga tao ang no.2 kaya dapat magkaroon ng bagong no.2 sa ranking.

Sa kabila nito, naniniwala pa rin si Prof. Uy na gusto pa rin nilang talunin ang no.1 na si former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Payo naman ni Prof. Uy sa mga botante na huwag basta-bastang maniwala sa mga pahayag sa nasabing joint press conference ng 3 presidential candidates.

Aniya, posibleng tinatakot ng mga nasabing kandidato ang mga botante dahil sa pahayag na posibleng magkaroon ng panggugulo kapag nanalo si BBM.

Dagdag pa ni Prof. Uy, hindi basta-basta na matatanggal sa puwesto ang isang majority president dahil maraming sumusuporta rito kagaya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Follow SMNI NEWS in Twitter