3 pulis nahaharap sa reklamo sa diumano’y pambubugbog sa baguhang pulis sa Isabela

3 pulis nahaharap sa reklamo sa diumano’y pambubugbog sa baguhang pulis sa Isabela

MISMONG ang PNP-Integrated Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang hahawak ng kaso kaugnay sa reklamo ng isang baguhang pulis na biktima umano ng hazing sa kinabibilangan nitong Regional Force Battalion 2.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Jeremy Matthew Padilla habang bigo namang pinangalanan ang tatlong pulis na akusado.

Nangyari ang umano’y hazing incident sa mismong kampo ng PNP sa Brgy. Macalauat, Angadanan, Isabela.

Sa panayam kay PNP PIO Chief Col. Jean Fajardo, tiniyak ng pulisya na walang magaganap na whitewash sa ginagawa nilang imbestigasyon.

Nauna nang itinanggi ng tatlong pulis ang akusasyon ng biktima.

Follow SMNI NEWS on Twitter