3 sa 4-member group na Blackpink, may music releases ngayong taon

3 sa 4-member group na Blackpink, may music releases ngayong taon

MATUTUNGHAYAN na bukas, Oktubre 3 ang pinaka-latest na single ni Lisa, ang main dancer ng South Korean girl group na Blackpink.

Ang pamagat ng kanta ay “Moonlit Floor” at ire-release ito, 8pm eastern time.

Agosto ngayong taon ay kalalabas lang din ng kantang “New Woman” ni Lisa kasama ang Spanish singer na si Rosalia.

Sa kabilang banda, ang single naman ng main rapper ng grupo na si Jennie ay ilalabas na sa Oktubre 11.

“Mantra” ang magiging pamagat nito.

Ito na ang magiging latest music release ng rapper mula nang ilabas ang kantang “Spot!” noong Abril na collab nila ng Korean rapper na si Zico.

Samantala, ang main vocalist ng Blackpink na si Rose ay sa Disyembre 6 na ilalabas ang kaniyang full length studio album.

Sa kaniyang Instagram post, “Rosie” ang magiging pamagat nito.

Kung matatandaan, Marso 2021 pa nang magkaroon ng debut single album si Rose.

Dahil dito, ang visual na lang ng grupo na si Jisoo ang wala pang announcement hinggil sa kaniyang posibleng music release.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble