NANATILI pa rin sa alert level 2 o pagtaas ng aktibidad sa bulkang Taal.
Ito ay matapos makapagtala ng tatlong maliliit na phreatomagmatic na pagputok sa main crater ng bulkan.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang phreatomagmatic burst alas-8:11, 8:17 at 8:34 ng umaga kahapon at tumagal ng isa hanggang limang minuto.
Umabot naman ang taas nito mula 200 metro hanggang 1,500 metro base sa thermal camera monitors.
Nakapagtala rin ng 30 volcanic earthquakes kabilang ang 23 na volcanic tremor event na tumagal ng 2-5 minuto.