NAARESTO ang tatlong suspek matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga personahe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Purok 14 Lower Cypress, Irisan Baguio City.
Kinilala ng PDEA CAR-RSET ang mga naarestong suspek na sina Sherwin Fernandez, Maria Veronica Torio, at Vincent Cuyopan.
Bukod sa buy-bust item na isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu.
Na may timbang na humigit-kumulang 5 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng P34,000, nakumpiska rin ang isang plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na tinatayang may timbang na 87 gramo at nagkakahalaga ng P591,600.00
Dalawang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na may bigat na humigit-kumulang sa 3 gramo na nagkakahalaga ng mahigit P20,000 at iba’t ibang drug paraphernalla.
Sa ngayon ay nasa custodial facility ng PDEA ang tatlong suspek.