3 suspek arestado sa ilegal na pagbebenta ng baril sa Maynila

3 suspek arestado sa ilegal na pagbebenta ng baril sa Maynila

ARESTADO ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tatlong suspek sa isang buy-bust operation sa U.N. Avenue corner Alhambra St., Ermita, Manila noong Hunyo 13, 2025.

Ayon sa CIDG, ang mga suspek ay nahuli sa aktong nagbebenta ng dalawang baril na walang kaukulang lisensiya.

Ayon sa mga awtoridad, malinaw na paglabag ito sa umiiral na batas at hindi ito palalampasin ng pamahalaan.

Kinilala ang mga suspek na sina “Mark,” “Nicholai,” at “Edmund,” na pawang mga miyembro umano ng isang bagong natuklasang grupo na sangkot sa gunrunning at ilegal na bentahan ng armas sa National Capital Region (NCR).

Pinuri ng CIDG ang kanilang mga operatiba sa Maynila dahil sa matagumpay na operasyon.

Aniya, ang mabilis at maagap nilang pagtugon sa mga ilegal na aktibidad ay nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa mga suspek at pagkumpiska ng mga ipinagbabawal na armas.

Samantala, ang pagbebenta ng baril na walang lisensiya ay isang malinaw na paglabag sa Republic Act No. 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ang batas na ito ay nagtatakda ng mahigpit na alituntunin sa pagmamay-ari, pagbebenta, at paggamit ng baril at bala sa bansa.

Sa ilalim ng batas, ang sinumang mahuling nagbebenta ng baril na walang lisensiya ay maaaring makulong at pagmultahin.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble