ARESTADO ang 3 suspek sa Marikina City kasunod ng isinagawang buy-bust operations ng mga awtoridad nitong Martes, Nobyembre 26, 2024.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 135 gramo ng shabu na may halagang higit P900K.
Isa sa tatlong naaresto ay tinaguriang High Value Individual na si Lloyd Olfindo y Vistro alias “Lloyd”, 44 anyos, residente ng Marikina City; Melanie Mercy Paras y Conception alias “Lanie”, 41 anyos, at Jimmy Cadano y Asinas alais “Jimmy”, 40 anyos na pawang residente ng Brgy. Cupang, Antipolo City.
Kahaharapin ng mga ito ang kasong paglabag sa Sections 5 at 11 Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Batay sa reports, notoryos ang tatlo sa pagbibenta at pagdi-deliver ng mga shabu sa kanilang mga buyer sa iba’t ibang panig ng lungsod.
Ayon kay Eastern Police District OIC, PCol. Villamor Tuliao, malaking tulong aniya ang pakikipagtulungan ng publiko at mga kapulisan sa pagkakaaresto ng mga kriminal lalo na sa mga sangkot sa paggamit, pagbibenta at ilegal na transakisyon ng ipinagbabawal na gamot.