3 suspek sa kalakaran ng droga, nahuli ng PDEA sa buy-bust ops

3 suspek sa kalakaran ng droga, nahuli ng PDEA sa buy-bust ops

HUMIHIMAS na ngayon ng rehas na bakal at kapwa kinasuhan na sa kasong paglabag ng Republic Act 9165  Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang tatlong sangkot sa kalakaran ng droga matapos matiklo sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Lagare, Cabanatuan City, Nueva Ecija ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon sa report sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang mga suspek na sina Vlademir “Vlad” G. Cajucom, 40, drug operators, Cherry R. Carreon, binata, 26 taon gulang, at Ronel P. Bancuyo, 32 taong gulang, mga kapwa residente ng Purok 5, Brgy.  Lagare, Cabanatuan City, New Ecija.

Narekober sa operasyon ang limang piraso ng heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 13 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P88,400, sari-saring mga gamit sa droga, at ang buy-bust money.

Kasama rin si Cajucom sa target-list ng PDEA RO III ng mga drug personalities.

Nakumpiska rin sa kaniya ang mga resibo ng pera na isasailalim sa financial investigation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble