TINANGGAL na ng International Tennis Federation (ITF) ang tatlong taong suspensiyon na ipinataw sa Philippine Tennis Association (PTA).
Lubos na ikinatuwa ito ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino dahil maraming events ang hindi nasalihan ng bansa simula nang magkaroon ng suspensiyon.
Disyembre 2020 nag-umpisa ang suspensiyon dahil sa ilang paglabag na nakita sa PTA.
Dahil wala na ang suspensiyon ay ikinokonsidera na muli na active member ng ITF ang PTA.