30 araw paggamit sa mga pampublikong transportasyon, ibinigay para sa mga hindi pa bakunado sa NCR

NAGKALOOB ng hanggang tatlumpong araw ang Department of Transportation (DOTR), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga hindi pa bakunadong manggagawa na makasakay sa mga pampublikong transportasyon at magkaroon ng oras na makapagpabakuna laban sa sakit.

Ito’y kasunod ng mahigpit na pagpapatupad ng “No Vax, No Ride” policy ng DOTr sa National Capital Region (NCR).

Sa kabila nito sinabi ni Elmar Labog Chairperson ng kilusang Mayo Uno (KMU) na basic right  ng mga mamamayan na mamili  kung sila ay magpapabakuna o hindi, dagdag pa nito  na dapat magkaroon ng education program para ma-educate ang mga mamamayan para sa kanilang kaligtasan.

Ayon naman sa Commission on Human Rights (CHR) pagtuturo at hindi paghihigpit ang kailangang solusyon sa publiko.

Kaugnay nito nagbigay ng mungkahi ang CHR na magkaroon ng magkaibang transportasyon para sa mga hindi pa bakunado at partially vaccinated na mga indibidwal.

“Necessary ba ito? legal ba ito? Ito bay proportionate responses to achieve public health going? At saka, non-discriminatory ba ito? They should be also provide an alternative na public transportation for those unvaccinated, kasi papaano ngayon papasok itong mga ito, di ba sa work nila?” pahayag ni Gwedolyn Pimentel-Gana, CHR Commissioner.

Ang suhestyong ito ng CHR ay binara naman ni PH Transport Undersecretary Artemio Tuazon Jr. at sinabing impraktikal ito.

” Kung talaga po nating iisipin mas simple po yatang na magpabakuna nalang tayo kaysa po gumawa pa tayo ng iba ibang pamamaraan para ma-accommodate yung mga hindi pa nababakunahan. Libre naman po itong bakuna natin available na po,”ani Tuazon.

Dagdag pa ng kalihim na makatutulong   sa mga LGUs kung mapagpapatupad ang mga ito ng sariling implementasyon ng no vaccination, no ride policy kontra COVID-19.

Sa darating na Pebrero 26 pawang mga fully vaccinated na lamang ang pahihintulutang makasakay sa mga pampublikong transportasyon.

Habang exempted naman ang mga indibidwal na may medical concerns at yung mga taong lumalabas para sa mga pangunahing pangangailangan gaya na lamang ng foods and services.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter