MAHIGIT 30 Chinese nationals ang napauwi na sa China mula sa Pilipinas nitong Huwebes, Disyembre 12, 2024.
Ang mga napauwi ay dating mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Ika-apat na ito na batch ng Chinese nationals na napauwi ayon sa Chinese Embassy sa Manila.
Hulyo 2024 nang ipinag-utos ng pamahalaan ang total ban ng POGO operations sa bansa.
Ito’y matapos nakitaan na nasasangkot ang POGO operations sa iba’t ibang mga krimen.
Ngunit taong 2022 pa nang nagpahayag ng suporta ang China hinggil sa kampanya ng Pilipinas laban sa POGO.