30 criminal at administrative cases, naisampa ng BOC laban sa mga importer at customs broker sa Q1 2022

30 criminal at administrative cases, naisampa ng BOC laban sa mga importer at customs broker sa Q1 2022

PUMALO na sa 30 criminal at administrative cases ang naisampa ng Bureau of Customs (BOC) laban sa mga importer at customs brokers sa unang bahagi pa lamang ng 2022.

Ayon sa BOC, kabuuang 24 criminal cases ang naihain mula Enero hanggang Marso 2022 laban sa 79 indibidwal na binubuo ng mga importer, exporter at customs brokers.

Ito ay dahil sa kanilang mga paglabag sa Republic Act no. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at iba pang mahahalagang batas.

Habang 6 na administrive cases ang inihain laban sa licensed customs brokers sa Professional Regulation Commission (PRC).

Batay sa datos mula sa Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS), ang mga kaso ay may kinalaman sa unlawful importation ng mga sigarilyo na nagkakahalaga ng P160.4 million, agricultural products na nagkakahalaga ng P131.4 million, motor vehicles na nagkakahalaga ng P49.4 million, general merchandise na nagkakahalaga ng P7.7 million at iba pang commodities na nagkakahalaga ng P7.2 million.