IDINULOG sa SMNI ni Tago Municipal Mayor Betty Pimentel ang hindi umano makaturangang pagsasailalim sa kaniya sa 30-days preventive suspension ng Sangguniang Panlalawigan ng Surigao del Sur.
Kuwento ng mayora, nagkaroon umano ang DPWH ng multi-purpose project na nagkakahalaga ng P20M sa nailagay sa bakanteng lote ng Barangay Purisima at nalaman ng Tago Municipal Engineering Office na wala itong building permit na ni request sa Mayor’s Office.
Nilinaw nito na walang natanggap ang kaniyang opisina na aplikasyon o request documents para sa building permit ng nasabing proyekto.
“Paano naman ako naging Grave Misconduct na wala namang papel or dokumento na nakapunta sa table ko na kailangan nang pirmahan for issuance ng Building Permit so ‘yun sumagot ako sa nilagay nila pati ‘yung Municipal Planning Development Officer at tsaka ‘yung Municipal Engineering Officer kinunan sila ng ng mga papel or may statement din kasi ang ano eh may sagot din kasi ang Municipal Engineer ko kung saan, kung bakit walang dokumento or na submit sila doon sa opisina hindi ko rin alam ang pag proseso up to this day wala naman talagang nakabinbin na application doon sa opisina ko or sa opisina ng MPDO or opisina ng Municipal Engineer so ah.. nagtataka lang ako kung bakit may Grave Misconduct na kaso sa akin,” pahayag ni Betty Ensomo-Pimentel, Mayor, Tago, Surigao del Sur.
Kaugnay nito, politika ang nakikita ng alkalde na dahilan ng ginagawang panggigipit sa kaniya ngayon.
“Wala akong nalabag sa batas kung sa pagiging Mayor ko ‘yung pag-uusapan natin, wala akong mali doon na nagawa so ‘yung nga ‘yung ibig kong sabihin na kasi sa Surigao del Sur actually hindi naman ‘yung opposition pero sa mga opposition parang ‘yung town ko or ako mismo parang ako ‘yung pinaka talagang punterya talaga ako nila kahit ano-ano na nga ‘yung mga binabatikos nila sa akin noh kahit ano-ano na lang ang e file na kaso nila sa akin so ‘yun isa lang ang masasabi ko pamumulitika na talaga ang ginawa nila politically motivated ‘yung decision ng preventive suspension,” dagdag ni Pimentel.
Bago nito, sinabi rin ni mayor betty na mula noong setyembre ng taong kasalukuyan ay may natatanggap na itong threat sa kanyang buhay gaya ng tatlong beses na pinaliparan ng drone ang kanyang bahay at may kahinahinalang mga private cars din na umaaligid.
Binigyang-diin naman ng alkalde na nais lamang nitong magpatuloy sa pagbibigay ng tapat at totoong serbisyo sa kanyang bayan bilang binigyan ng tiwala na maglingkod sa kanyang mga mamamayan.
“Alam ko naman sa pulitika may position at may opposition which is para sa akin normal naman ‘yun kasi kung hindi nyo gusto na may kontra kayo sa pulitika eh dapat nagpasa kayo doon ng batas na wala ng wala ng election, para sa akin as long as mayroong election may talagang opposition so that’s normal sa akin lang sana noh may hustisya sana kung may imbestigasyon may mga kaso man sana in due process ‘yun lang” ani Pimentel.
Sa ngayon, tumatayong acting mayor ng Tago si Vice Mayor Henrich Pimentel.
Samantala, bukas naman ang SMNI para pakinggan ang panig ng Sangguniang Panlalawigan ng Surigao Del Sur hingil sa nasabing issue.