300 residente sa La Union, tumanggap ng tulong mula sa Philippine Coast Guard

300 residente sa La Union, tumanggap ng tulong mula sa Philippine Coast Guard

TUMANGGAP ng tulong ang 300 residente ng La Union mula sa tanggapan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Isa ang lugar sa La Union na apektado ng pagtama ng Bagyong Maring.

Walang patid sa pagtulong sa mga Lugar na sinalanta ng bagyo ang tanggapan ng Philippine Coast Guard.

Partikular na sa mga lugar sa bansa na lubhang naapektuhan ng pagtama ng Bagyong Maring sa North Luzon.

Sa Tala ng PCG, humigit-kumulang 300 residente ng Barangay Paratong Norte at Barangay Agdeppa, Bangar, La Union ang nakatanggap ng family packs mula sa Philippine Coast Guard (PCG) District Northwestern Luzon.

Ang mga nabanggit na residente ay kabilang sa mga lubhang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong #MaringPH ngayong Linggo.

Layon ng inisiyatibong ito na makatulong sa muling pagbangon ng mga kapwa Pilipino sa epektong iniwan ng nagdaang kalamidad.

Nasa malaking bahagi ng Norte ang lubhang tinamaan ng Bagyong Maring kung saan hindi lang kabuhayan at pinagkakakitaan ang nawala kundi maging mga buhay din.

Hanggang ngayon patuloy paring pinaghahanap ng PCG ang mga nawawala sa kanilang lugar.

Bukod sa mga residente, umiikot din ang ilang tauhan ng PCG sa mga baybayin at iba pang karagatang sakop ng bansa para maghatid ng mga ayuda sa mga mangingisda.

SMNI NEWS