30,000 bakanteng trabaho, handog ng DOLE sa kanilang ika-90 anibersaryo

30,000 bakanteng trabaho, handog ng DOLE sa kanilang ika-90 anibersaryo

HALOS 30,000 bakanteng trabaho ang inihahanda ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga Pilipino sa ika-90 anibersaryo ng ahensiya sa Disyembre 6.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, magsisimula ang job fair sa Disyembre 1 sa 21 venue sa buong bansa.

Tinatayang nasa 340 na mga employer ang lumahok sa isasagawang job fair.

Nanawagan naman si Laguesma sa mga naghahanap ng trabaho na samantalahin ang serbisyong inilalapit ng pamahalaan sa kanila.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble