31 barangay sa Metro Manila, isasailalim sa 2-araw na hard lockdown

31 barangay sa Metro Manila, isasailalim sa 2-araw na hard lockdown

EPEKTIBO simula alas 12 ng umaga ngayong darating na Sabado hanggang alas 11:59 ng linggo ng gabi ay  isasailalim sa 48 oras na hard lockdown ang 31 baranggay ng Metro Manila.

 

Ito’y matapos nilagdahan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang Executive Order No.31 para ipatupad ang enhanced community quarantine sa mga baranggay na naglalayong magsagawa ng   disease surveillance, rapid risk assessment at  testing operations

 

Ayon sa Manila City Government ginawa nga itong executive order dahil sa beripikasyon ng Manila Health Department na umabot na sa 147 ang positive cases ng COVID -19 sa mga baranggay na ilo-lockdown at naitala na mahigit na sa 3 ang nagpositibo simula nitong June 15 hangang June 29.

 

Kabilang sa mga baranggay na isasailalim sa 48-hr hard lockdown sa Metro Manila: 12 A.M., Saturday, July 4 until 11:59 PM of Sunday, July 5:

 

Metro Manila lockdown

 

Metro Manila lockdown

 

Sa ilalim  ng ECQ ang mga residente ng mga naturang baranggay ay hindi pinapayagan lumabas ng bahay maliban na lamang sa health workers, military personnel, service workers (pharmacies, drug stores, and funeral homes), utility workers (energy, cable, internet, telecommunication companies, water, sanitation, and critical transport facilities including port operation), essential workers (goods delivery, food delivery, banking and money services), barangay officials, and media practitioners accredited by the Presidential Communications Operations Office and the Inter-Agency Task Force.

 

CHERRY LIGHT

Leave a Reply

Your email address will not be published.