BILANG tugon sa umiiral na gun ban para sa nalalapit na pagdaraos ng Barangay at SK Elections (BSKE) ngayong buwan ng Oktubre, kusang isinuko ng mga lokal na opisyal ng Aleosan, Cotabato at dalawang barangay mula sa special geographic area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Umabot ito sa 31 assorted firearms at 2 granada ang isinuko ng nasabing mga lokal na politiko.
Dahil dito, naniniwala ang militar at kapulisan na makakamit nila ang inaasam na mapayapang pagsasagawa ng BSKE ngayong taon.
Sa pahayag ni Western Mindanao Command Commander Major General Steve Crespillo, tiniyak nito ang mapayapang rehiyon hindi lang sa panahon ng eleksiyon kundi ang tuluy-tuloy na kapayapaan sa lugar sa tulong ng iba pang lokal na pamahalaan ng Western Mindanao.