31 lugar sa bansa, posibleng makaranas ng dangerous heat index ngayong araw

31 lugar sa bansa, posibleng makaranas ng dangerous heat index ngayong araw

POSIBLENG makaranas ng dangerous heat index ang nasa 31 lugar sa bansa ngayong araw ng Martes batay sa tala ng PAGASA Weather Forecasting Center.

Nasa 47 degrees Celsius ang inaasahang init sa Dagupan City sa Pangasinan at Aparri sa Cagayan.

44 degrees Celsius naman sa Laoag City, Ilocos Norte; Bacnotan, La Union; San Jose, Occidental Mindoro; Cuyo, Palawan; Virac, Catanduanes, Roxas City, Capiz at Guiuan, Eastern Samar.

43 degree Celsius naman sa Tuguegarao City, Cagayan; Puerto Princesa City, Palawan; Iloilo City at Dumangas, Iloilo; at Catbalogan, Samar.

Ilan pa sa mga probinsiyang makararanas ng dangerous heat index ay ang Sinait, Ilocos Sur; Batac, Ilocos Norte; Echague, Cagayan; Clark, Pampanga; Muñoz, Nueva Ecija; Casiguran, Aurora; Subic Bay, Olongapo City; Tanauan, Batangas; Coron at Aborlan sa Palawan; Daet at Pili sa Camarines Sur; Legazpi City, Albay; Masbate City; Catarman, Northern Samar, Tacloban City, Leyte at Borongan, Eastern Samar.

Patuloy naman ang abiso ng PAGASA sa publiko na manatiling hydrated o laging uminom ng tubig at iwasan ang outdoor activity kung hindi ito importante.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble