328-k na GSIS pensioners, makatatanggap ng cash gift simula Dec. 6

328-k na GSIS pensioners, makatatanggap ng cash gift simula Dec. 6

MAKATATANGGAP ng P10-K bawat isa ang aabot sa 328-k qualified pensioners ng Government Service Insurance System (GSIS) bilang kanilang Christmas gift.

Ayon kay GSIS President at General Manager Wick Veloso, December 6 ay sisimulan na nila ang pamamahagi nito sa pamamagitan ng e-card ng pensioners.

Makukuha naman nila ang pera sa pamamagitan ng pag-withdraw sa anumang BancNet, Megalink o Expressnet ATMs.

Ang kwalipikadong benepisyaryo para sa cash gift ay matatanda na at may disability na tumatanggap ng regular monthly pensions at buhay pa.

Ang mga suspended ang status ay makatatanggap din basta’t mag-reactivate ito muli.

 

 

Follow SMNI News on Twitter