PAGKATAPOS ng dalawang taong pagkakatigil ng Sydney Grand Philippine Fiesta dulot ng pandemya ay muli itong ipinagdiwang ng Filipino community sa Australia.
Dinaluhan ng maraming Pilipino mula sa iba’t ibang parte sa Sydney ang ika-32 Sydney Grand Philippine Fiesta Kultura na siya namang pinakamalaking food festival sa Australia.
Ang Fiesta Kultura ay isang tradisyonal na okasyong ginaganap taon-taon sa Sydney, Australia.
Kung saan dito makikita ang iba’t ibang Filipino traditional foods, cultural dances at mga paligsahan tulad ng beauty pageants na madalas na nakikita sa ganitong pagdiriwang.
Ayon kay Francis Balagtas, overall director ng nasabing event, ito ang pinakamalaking Filipino event sa Australia kung saan nasa mahigit 10-k ang inaasahang dadalo.
“Okay, ang festival na ito started back in, what would say, 35 years ago. So in fact, we’ve been running the longest Filipino event or a community event here in Australia. So we have been, as an organization from a minimum of at least 40 years. So, we are expecting at least 10 thousand people to come up in this event,” wika ni Francis Balagtas, External Vice President, Philippine Australian Sports and Culture.
Layunin ng nasabing pagtitipon na mapalakas ang Filipino community at upang maipromote ang kulturang Pinoy sa Australia, maging ang pagtulong sa mga charities na nasa Pilipinas.
Sinabi rin ni Marivic Flores, presidente ng Philippine-Australian Sports and Culture, ito na dapat ang ika-34 na anibersaryo kung hindi nagkaroon ng lockdown dulot ng pandemya sa nakalipas na 2 taon.
“People are looking forward to this fiesta and after the two years of lockdown, it’s time to revive and be happy and together and you know because for two years, we were disconnected basically, physically, so at least now it’s great to be back,” ayon naman kay Marivic Flores, President, Philippine Australian Sports and Culture.
Dagdag pa ni Flores na bagaman mababa man ang bilang ng mga dumalo ngayon kumpara sa mga nagdaang taon ngunit ito naman ang panahon na ibalik ang kasiyahan para sa mga kababayang Pilipino.
Isa rin ang mayor ng Fairfield na si Frank Carbone sa mga dayuhan na nakiisa at todo suporta sa nasabing pagdiriwang.
“Thank you for everything that you’ve done for the Australian community as migrants and I understand that ’cause I am from an Italian background, and this country was built on the back of people like the…,” ayon kay Mayor Frank Carbone.
Samantala, bukod sa mga kababayang Pinoy ay lubos ding namangha at natuwa sa kakaibang pagdiriwang ng kulturang Pilipino ang mga dayuhang dumalo sa nasabing pagtitipon.