33 grupo mula sa iba’t ibang sektor, recipient ng Green Awards sa QC

33 grupo mula sa iba’t ibang sektor, recipient ng Green Awards sa QC

UMABOT sa 33 grupo at indibidwal ang kinilala ng katatapos lang na Green Awards ng LGU ng Quezon City.

Ang mga nanalo ay mula sa iba’t ibang sektor gaya ng barangay, paaralan, ospital, negosyo, sangguniang kabataan na may malaking kontribusyon sa pangangalaga ng kalikasan, at pagkontrol sa epekto ng mga kalamidad at krisis na tumatama sa bansa.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, malaking bagay ang pakikiisa ng lahat lalo na sa mabilis na pagtugon sa mga sakuna na dumarating para maiwasan na may masaktan o masawing buhay dahil sa maayos na paghahanda ng publiko.

Ilan sa mga programang kinilala ngayong taon ang:

-Barangay San Antonio for their SANA OIL (Sustainable Grease and Oil Waste Management Initiative);

-Barangay Commonwealth’s ResKyusi Food Basket Program;

-Maynilad Water Services, Inc. for installing two 1-Megawatt Solar Farm at the La Mesa Compound;

-Commonwealth High School for their Gulayan sa Paaralan;

-Luna Medical Center for their Halamanan sa Bakuran ng DMHBS;

-Batasan Youth Leaders Coalition’s PAPEL-LIKHASAN: Likhang Papel mula sa Kalikasan;

-SK Payatas’s RETASO: REcycling Textiles towArds Sustainable Opportunities;

Habang panalo rin sa resilience category ang

-Jose P. Laurel Sr. High School for their PROJECT L.I.G.T.A.S. (Laurel’s Innovation in Gaining Tactics on the Ability to Save Lives and Safety of the School);

-Barangay Commonwealth for their PADYAK KO KALIGTASAN MO: CREATING A SAFE AND RESILIENT BARANGAY: ONE PADYAK AT A TIME;

-Sangguniang Kabataan of Sauyo for their Project SAFE (Strategic Assistance for Families of PWD Youths in Emergencies) & CARE (Comprehensive Approach for Rescue and Emergencies).

Nakatanggap ang mga ito ng cash grants, para sa pagpapalago ng kanilang programa at makatulong para sa kaligtasan at kaalaman ng publiko sa pag-iingat mula sa mga kalamidad.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter