34 na invalidated ballots, naitala sa 4th day ng ballot feeding sa Japan

34 na invalidated ballots, naitala sa 4th day ng ballot feeding sa Japan

NAITALA sa 4th day ng ballot feeding sa Japan ang 34 na invalidated ballots bandang 12:30 ng hapon kanina.

Alas 9:00 ng umaga nang nagsimula ang ballot feeding sa Embahada ng Pilipinas sa Tokyo ngayong araw kung saan nagkaroon ng error ang isang Smartmatic machine.

Ito ay sa kadahilanang iba ang precinct number ng balota na naipasok sa vote counting machine (VCM).

Ayon naman sa embahada, hindi ito mapapabilang sa mga invalid na balota.

Inihayag din ng embahada na ang invalidated ballots ay ilalagay lamang nila sa isang box at ibabalik ang mga ito sa COMELEC.

Ito ang mga napabilang sa invalidated votes bandang 12:30 ng hapon kanina, kung saan anim na balota ay nanggaling sa precinct 7, tig-limang balota naman sa precinct 4 at 6, apat na balota sa precinct 17, tatlong balota sa precinct 15, tig-dalawang balota sa precinct 3, 5, 12, at 14, at tig-isang balota naman sa precinct 1, 13 at 18.

Ito ay sa mga kadahilanang may marka at gusot ang balota, gumamit ng highlight pen sa halip na black pen sa pag-shade, nilagdaan ang signature of chairman sa mismong balota, walang signature at magkaibang signature ang ginamit sa pagpirma sa labas ng balota.

Kaya naman pinapaalalahanan ang lahat ng mga botante na gamitin ang parehong pirma noong nagparehistro sa Embahada ng Pilipinas upang hindi maging invalid ang mga boto.

Follow SMNI NEWS in Twitter