34 Pinoy na biktima ng trafficking sa Syria, makakauwi na ng bansa

MAKAUUWI na ng bansa ang 34 Pinoy na biktima ng trafficking sa Syria ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Ani Locsin, base sa natanggap niyang ulat ay mayroong 34 na Pinoy at sa ngayon ay iniimbestigahan na nila ang tirahan ng mga ito.

Nitong nagdaang linggo lamang ay inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang repatriation sa anim na Pinay na biktima ng human trafficking sa Syria.

Ayon sa DFA, iligal na inemploy ang mga Pinay sa Syria matapos itong bumiyahe sa Dubai bilang mga turista.

Nauna nang naglungsad ang DFA ng imbestigasyon sa alegasyon ng hindi magandang trato umano sa mga biktima habang nasa poder ng embahada.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.