35-K OFWs sa Taiwan, maaaring maka-avail sa permanent residency program ng bansa

35-K OFWs sa Taiwan, maaaring maka-avail sa permanent residency program ng bansa

MAAARING maka-avail sa permanent residency program sa Taiwan ang aabot 35-K na mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Philippine Overseas Labor Office (POLO) Taipei Labor Attache Cesar Chavez Jr., karapat-dapat ang mga ito na mag-apply sa programa dahil pasado ito sa requirements na anim na taong pagtatrabaho maliban pa sa hiwalay na limang taong employment.

Ang naturang hakbang naman ayon kay Chavez ay paraan ng Taiwan upang mapunan ang kanilang kakulangan sa mga manggagawa.

Aniya, paborito ng mga Taiwanese employer ang mga Pilipino dahil hindi na kailangan ng superbisyon sa pagtatrabaho.

Magaling din ito anila sa English at makipagsabayan sa mga kapwa manggagawa.

Ayon sa POLO, aabot sa isang daan at apatnapung mga OFWs ang nasa Taiwan kung saan 85% dito ay nagtatrabaho sa manufacturing companies at 15% naman ay caregivers at domestic workers.

Follow SMNI NEWS on Twitter