AABOT sa 35 supporters ng communist terrorists group (CTG) ang nagpahayag ng kanilang pagbawi ng kanilang suporta at kumukondena sa mga maling gawain ng CPP-NPA-NDF.
Ang nasabing bilang ay binubuo ng Milisyang Bayan, Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL), mga contacts at couriers ng SRSDG. Southland sa ilalim ng Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).
Ginawa ang simpleng seremonya kasabay ng Peace Rally sa Purok 7, Brgy. Mabuhay, Prosperidad, Agusan del Sur noong Hunyo 2, 2023.
Ayon sa grupo na dahil sa mga programa ng pamahalaan, sila ay naliwanagan sa mga ginagawang kasinungalingan at ginagawang manipulasyon ng teroristang grupong CPP-NPA-NDF.
Para naman kay Colonel Francisco F. Lorenzo Jr, Commander ng 401Bde, na ang nangyayaring malawakang pagbawi ng suporta ng mga dating miyembro ng kilusan ay resulta ng tuluy-tuloy na implementasyon ng mas pinaigting na Military Operations (IMO)
At ang epektibong sistema ng Executive Order 70, o “Whole of Nation” approach sa pangunguna ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).