36 barangay sa San Mariano, Isabela hindi na kontrolado ng CTGs

36 barangay sa San Mariano, Isabela hindi na kontrolado ng CTGs

INIHAYAG ng 36 na barangay official ng San Mariano, Isabela na hindi na sila kontrolado ng communist terrorist groups (CTGs) na CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Liga ng mga Barangay (LMB) President Eddie Viernes, wala nang mga barangay official ang nagrereklamo na hina-harass o tinatakot sila ng komunistang grupo.

Aminado ito na sa mga nagdaang panahon, tila naging normal ang ginagawang harassment ng CPP-NPA dahilan para maging sunud-sunuran ang ilang mga opisyal ng 36 na barangay ng San Mariano.

Kaugnay rito, maging ang 95th Infantry Battalion ng 5th Infantry “Division (5ID) ay wala nang natatanggap o namo-monitor na reklamo ng pangha-harass ng komunistang grupo.

Samantala, inihayag naman ng pamunuan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) ng San Mariano at provincial government ng Isabela at ilang line government agencies na nakapaloob sa Task Force to End Local Communist Armed Conflict (TF-ELCAC) na maibibigay sa mga rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan ang mga benepisyo sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) upang makatulong sa kanilang pagba-bagong buhay.

Maliban sa mga nabanggit ay tuluy-tuloy rin ang ginagawang pagsasanay sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan na pinangunahan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Follow SMNI NEWS on Twitter