36 kandidato, kasama sa shorlist para sa bakanteng posisyon ng Court of Appeals

ISINUMITE ng Judicial and Bar Council (JBC) sa Malakanyang ang listahan ng 36 na mga kandidato para sa mga bakanteng posisyon ng Court of Appeals.

Kabilang sa isinumiteng pangalan si Quezon City Judge Jocelyn Solis-Reyes na siyang may hawak sa pagdinig ng kaso ng Maguindanao massacre.

Nasa listahan din sina Makati Executive Judge Selma Palacio Alaras at Muntinlupa Judge Philip A. Aguinaldo.

Ang mga nasabing nominado ay para sa anim na nabakanteng posisyon sa CA matapos italaga ang apat na hurado sa high court kabilang sina Justices Rodil V. Zalameda, Mario V. Lopez, Edgardo delos Santos, at Samuel Gaerin.

Nagretiro na rin sina Justices Ma. Luisa Quijano-Padilla at Jane Aurora Lantion.

Maliban kay Chief Justice Diosdado Peralta na umuupo bilang ex-officio chairperson, kabilang sa iba pang miyembro ng JBC ay sina Justice Secretary Menardo L. Guevarra, Rep. Vicente S. Veloso III, retired Supreme Court Justices Jose Mendoza at Noel Tijam, Toribio E. Ilao, at Franklin J. Monteverde.

Inanunsyo rin ng JBC ang mga aplikante para sa mga bakanteng posisyon ng Sandiganbayan at ng Court of Tax Appeals.

SMNI NEWS