36 Malaysian Umrah pilgrims na-stranded sa Saudi Arabia, nakauwi na sa Malaysia

36 Malaysian Umrah pilgrims na-stranded sa Saudi Arabia, nakauwi na sa Malaysia

NAGSUSUMIKAP ang Foreign Affairs Ministry na maiuwi ang 63 Malaysian pilgrims na naistranded sa Saudi Arabia mula noong Hunyo taong 2022.

Nitong Nobyembre 4, matagumpay na nakauwi ang 36 Umrah pilgrims sa Kuala Lumpur International Airport (KLIA), habang ang natitirang 27 ay makakauwi sa susunod na flight.

Matatandaang ang mga Malaysian ay dinala sa Madinah upang magsagawa ng Umrah subalit hindi nakarating ang mga ito sa Mecca dahil sa paglabag ng pinuno ng Tariqa sa mga lokal na batas sa bansa.

Sumang-ayon ang Malaysian government na tumulong na maibalik ang mga stranded pilgrims sa tulong ng Wisma Putra, Office of the Minister in Prime Minister’s Department (religious affairs), at ng Malaysian Embassy sa Riyadh at ng konsulado ng Malaysia sa Jeddah.

Ang proseso ng pagpapauwi ng mga na-stranded na Umrah pilgrims ay isinagawa bilang pagsunod sa mga patakaran at batas na itinakda ng Saudi Arabia government at ang Malaysia ay isa lamang sa 49 na bansa na binigyan ng prebilehiyo tulad ng mga pasilidad ng tourist visa.

Dagdag pa rito, ang foreign affairs ministry ay nakatuon sa kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan ng Malaysia sa ibang bansa sa tulong ng mga konsulado tulad ng Vienna Convention on Consular Relations 1963.

Pinapayuhan din ng gobyerno ang mga Malaysian citizen na laging sumunod at igalang ang mga batas sa ibang bansa upang maiwasan ang ganitong pangyayari.

 

Follow SMNI News on Twitter