36 private armed groups sa BARMM, binabantayan ng PNP

36 private armed groups sa BARMM, binabantayan ng PNP

MAHIGPIT na binabantayan ng Philippine National Police (PNP) ang 36 private armed groups (PAGs) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ay bilang bahagi ng patuloy na paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa bansa.

Ayon kay PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr., dalawang beses na siyang bumisita sa BARMM upang matiyak na mapipigilan ang anumang aktibidad ng PAGs sa rehiyon.

Nakipagpulong din si Acorda sa iba pang stakeholders upang masiguro na hindi magagamit ang PAGs sa panahon ng halalan lalo na sa paghahasik ng karahasan.

Nabatid na may kabuuang 48 PAGs sa buong bansa ang mino-monitor ng pulisya upang masiguro na magiging mapayapa at ligtas ang Barangay at SK Elections sa Oktubre.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter