360° shield para kay Pangulong Duterte, tiniyak para sa darating na SONA

360° shield para kay Pangulong Duterte, tiniyak para sa darating na SONA

BONUS OFFER

PUSPUSAN na ang paghahanda ng Presidential Security Group (PSG) para sa darating na ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 27 na gagawin sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

 

Una rito, desidido si Pangulong Duterte na makarating sa Kamara kung kaya lahat ng paghahanda at pag-iingat laban sa banta ng COVID-19 ay ginagawa na sa Batasan.

 

Ayon kay PSG Commander Col. Jesus Durante III, nagsagawa na sila ng koordinasyon sa iba pang opisina ng pamahalaan para matiyak ang 360-degree shield para kay Pangulong Durerte at sa seguridad sa buong venue.

 

Dagdag pa ni Durante, naka-heightened level of security measures ang pangulo mula noong mga nakaraang SONA.

 

Katuwang naman ng kanilang hanay ang President-Event Management Cluster (OP-EMC).

 

Ngayong humaharap aniya sa global pandemic ang Pilipinas, magpapatupad ng additional health security measures ang PSG, alinsunod sa implementing guidelines ng PSG Task Force COVID-19, Department of Health (DOH), at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

 

Inihayag pa ni Col. Durante, layon ng kanilang preparasyon sa seguridad  ang isang mapayapa, matagumpay at COVID-free SONA 2020 ni Pangulong Duterte.

 

Low cost charcoal

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.