MAYROON humigit-kumulang 3,600 na mga Police Assistance Desk ang inilatag ng Philippine National Police (PNP) sa balik-eskwela ngayong taon.
Magsisilbi itong takbuhan ng publiko lalo na sa mga estudyante sa oras ng emergency.
Katuwang ng pulisya ang mga force multiplier at security personnel ng bawat paaralan para maiwasan ang posibilidad ng krimen sa loob o labas ng eskwelahan.
Batay sa impormasyon, magbubukas ang mga paaralang ito na una nang naapektuhan ng matinding kalamidad nitong nagdaang mga linggo.