NAKAPAGTAPOS na ng senior high school education ang tatlumput pitong persons deprived of liberty mula sa minimum at maximum compounds ng Leyte Regional Prison.
Sa isang pahayag ng Bureau of Corrections (BuCor), noong Abril 15 ang graduation ceremony ng 37 PDLs matapos sumailalim sa 2nd Alternative Learning System (ALS) para sa senior high school sa Cagbolo Senior High School.
Ayon naman sa BuCor, ang pagtatapos na ito ng PDLs ay nagsisilbing patunay sa suporta ng Leyte Regional Prison sa pagbabagong-loob at rehabilitasyon.