NANINIWALA ang Land Transportation Office (LTO) na mareresolba na ang kontrobersiyal na milyun-milyong backlog ng plastic card para sa driver’s license.
Ito ay matapos na tanggalin ng Court of Appeals ang writ of preliminary injunction na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court para sa mahigit tatlong milyong pirasong plastic card para sa pag-imprenta ng driver’s license.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, pagkatapos mailabas ang desisyon ay agad na hinatid sa LTO ang nasa isang milyong pirasong plastic card ng kompanyang Banner Plastics Card, Inc.
Tinatayang nasa 4.1 milyong backlog ng plastic cards para sa driver’s license ang naitala ng LTO.
Nag-ugat ang pagkaantala ng produksiyon ng plastic card ng nanalong bidder na Banner Plastics Card matapos na magreklamo ang natalong bidder na AllCard Inc.